![]()
Magko-concert sa Pilipinas sa Hunyo sina Bob at Clint Moffatt, ang Canadian Brother Duo na nasa likod ng Music Travel Love.
Ayon sa event promoter na concert Philippines, magtatanghal ang Music Travel Love sa Waterfront sa Cebu City Hotel and Casino sa June 27 at sa New Frontier Theater sa Quezon City sa June 28.
Sina Bob at Clint ay bahagi ng pop-rock banda na The Moffatts, kasama ang dalawa pa nilang kapatid na sina Scott at Dave.
Noong 2018 ay sinimulan nina Clint at Bob ang Music Travel Love kung saan binibisita nila ang magagandang destinasyon sa mundo para mag-film ng videos para sa kanilang original at classic songs.
