![]()
Inaprubahan ng Department of Education (DepEd) ang 5,335 na matagal nang pending na teacher promotion request na inihain sa dating rules.
Itinuturing ito bilang “significant step” sa kanilang transition sa Expanded Career Progression (ECP) Program.
Ayon sa DepEd, inaprubahan ang request sa mga lumang kaso na naghihintay sa ilalim ng lumang promotion rules, kabilang na ang mga nai-proseso sa pamamagitan ng equivalents record form at naunang department orders na inisyu noong 1979 at 2011.
Ang approval ay bahagi ng hakbang ng ahensya na maipatupad ng buo ang bagong ECP system na idinesenyo upang mabigyan ang mga pampublikong guro sa buong bansa ng mas malinaw at maliwanag na daan para sa kanilang promotion batay sa kanilang qualifications at performance.
