![]()
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mayroong sapat na supply ng langis ang bansa, sa gitna ng umiigting na tensyon sa Middle East.
Sa press briefing, sinabi ni Marcos na mayroong stockpile ang bansa pagdating sa gasoline, fuel, oil, at kerosene.
Una nang inihayag ng Department of Energy-Oil Management Bureau (DOE-OIMB) na posibleng lumobo ng hanggang P10 per liter ang presyo ng langis sa gitna ng US-Iran conflict.
Sinabi ni DOE-OIMB Director Rino Abad na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Transportation at Department of Agriculture para sa posibleng pagre-release ng fuel subsidies.
