dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NANAWAGAN SA MGA BANSANG SANGKOT SA KAGULUHAN SA MIDDLE EAST NA PAIRALIN ANG PAGTITIMPI

Loading

Umapila si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng partido na sangkot na kaguluhan sa Gitnang Silangan na pairalin ang pagtitimpi, kasabay ng paghahangad na magkaroon ng agarang tigil-putukan upang mahinto na ang karahasan.

 

Nilinaw ni Marcos na hindi nananawagan ng ceasefire ang Pilipinas, dahil hindi naman kasali ang bansa sa ongoing conflict sa Middle East.

 

Nilinaw ng Pangulo na ang maaari lamang manawagan ng ceasefire ay ang mga sangkot, at ang Pilipinas ay nadadamay lamang dahil sa presensya ng mga Pinoy sa conflict areas.

 

Nagpahayag ang Punong Ehekutibo ng suporta sa mga bansang apektado ng mga pag-atake, at umaasa na matatapos ang krisis sa lalong madaling panahon.

 

Binigyang diin rin ni Pangulong Marcos, na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan para sa kaligtasan ng mga Pilipino sa abroad.

About The Author