dzme1530.ph

ENERGY SECTOR, HINIMOK MAKIPAGTULUNGAN SA GOBYERNO SA PAGTUGON SA EPEKTO NG TENSYON SA MIDDLE EAST SA PRESYO NG LANGIS

Loading

HINIMOK ni Senador Francis Chiz Escudero ang local industry players sa energy sector at sa pribadong sektor na makipagtulungan sa hakbangin ng pamahalaan para matugunan ang epekto ng lumalalang tensyon sa Middle East  sa presyo at supply ng langis sa bansa.

Sinabi ni Escudero na bagama’t nag-ooperate ang mga negosyo o mga oil company alinsunod sa merkado, sa  panahon ng extraordinary global conditions  dapat magkaroon ang mga negosyante ng sense of public duty at social responsibility para maiwasan ang  labis na pahirap sa ating mga kababayan at sa mga industriya.

Nanawagan din si senator Chiz Escudero sa Department of Trade and Industry  na maghanda ng calibrated price‑monitoring mechanisms at kung kinakailangan  ay magpatupad ng  temporary price caps sa mga pangunahing bilihin sa sandaling sumipa ang presyo ng mga bilihin.

Dapat anyang handa ang gobyerno paano maiibsan ang epekto sa mga consumer lalo na sa mga low‑income families dahil sila ang pinaka maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produkto.

Hinimok din ni Escudero ang pamahalaan na  panatilihin ang koordinasyon sa international partners at patuloy na suriin ang peligrong hatid  ng tensyon sa Middle East para agad na makaaksyon sa epekto nito sa ruta ng shipping, sa supply chain at sa pandaigdigang presyo ng mga kalakal o bilihin.

About The Author