dzme1530.ph

CONTINGENCY MEASURES NG GOBYERNO LABAN SA EPEKTO NG TENSYON SA MIDDLE EAST, PINABUBUSISI SA SENADO

Loading

NAIS ni Senador Erwin Tulfo na magsagawa ang Senado ng inquiry, in aid of legislation upang maassess ang contingency measures na ipinatutupad ng gobyerno upang mabawasan ang epekto ng tensyon sa Middle East.

 

Sa kanyang Senate Resolution 322, sinabi ni Tulfo na kailangang prayoridad sa bawat aksyon ng gobyerno ang kapakanan ng mga Pinoy sa iba’t ibang bansa. 

 

Kailangan anyang maging vigilante sa market monitoring at economic safeguards kasabay ng pagsuporta sa diplomatic efforts sa pamamagitan ng multilateral engagements at regional cooperation upang maibalik ang stability.

 

Iginiit din ni Tulfo matapos mamatay ang isang Pinay caregiver sa bomb attack sa Israel, dapat matiyak na nakahanda ang maayos na repatriation sa mga Pinoy at masigurong lahat ay accounted for.

 

Dapat din anyang may malinaw na plano upang protektahan ang ating ekonomiya laban sa panlabas sa krisis mula sa sapat na reserbang enerhiya hanggang sa maagap na price monitoring at market intervention.

About The Author