![]()
Diniinan ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta na puno ng pera sa bahay ni dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.
Sa isang panayam sa telebisyon, kinumpirma nina Belnard Tube at Benny Bulontate ang laman ng kanilang affidavit.
Kabilang sina Tube at Bulontate sa 18 dating sundalo na nagsiwalat na naghatid sila ng mga maleta ng pera sa bahay ni Quimbo.
Upang suportahan ang kanilang alegasyon, nagbigay sila ng larawan ng walong malalaking maleta at isang maliit na maleta na inihatid nila sa bahay ng dating kongresista.
Ayon sa kanila, bawat malaking maleta ay naglalaman ng humigit kumulang P50 milyon hanggang P70 milyon, habang ang maliit na maleta ay nasa P15 milyon hanggang P25 milyon ang laman.
Isiniwalat din ng grupo na naghatid din sila ng pera kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa iba pang mga opisyal at sa kabuuan ay nakapag-deliver sila ng humigit-kumulang P805 bilyon.
