dzme1530.ph

P7,000 BUWANANG FUEL SUBSIDY, ISINUSULONG SA KAMARA

Loading

Pitong libong piso (P7,000) ang buwanang ayuda na matatanggap ng PUV drivers, magsasaka, mangingisda at iba pang sektor na kabilang sa low-income bracket.

 

Ito’y kung ganap na maging batas ang ang House Bill No. 8031 o “fuel subsidy program act” na inakda ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima.

 

Ayon kay de Lima, maraming manggagawa na naka depende sa fuel products ang labis na naapektuhan ng madalas na pagtaas ng presyo ng langis.

 

Sa pamamagitan ng programang ito mabibigyan ng istabilidad ang kabuhayan ng mga manggagawa ano man ang geopolitical events ang mangyari.

 

Paliwanag ni De Lima, bagaman at may temporary o one-time fuel subsidy na ibinibigay ang ilang LGUs at ilang ahensya, hindi ito sapat para tulungan ang sektor na naghahatid ng serbisyo at pakain sa bawat pamilya.

About The Author