![]()
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola na umaabot na sa 54 Filipinos sa Israel ang nagpahayag ng interes na magparepatriate sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Sinabi ni Mendiola na kinapapalooban ito ang 32 tourists at 22 Overseas Filipino Workers.
Aminado naman ang opisyal malaking hamon kung paano nila mailalabas sa israel ang mga pinoy dahil wala pang flights doon.
Ito rin anya ang challenge kung paano iuuwi ang katawan ni Mary Ann Velasquez De Vera na nasawi sa bomb attack sa Israel.
Ipinaliwanag ni mendiola na sa ngayon ay malabo pa nilang maiuwi ang biktima na nauunawaan naman anya ng asawa nito.
Pinayuhan din ng opisyal ang mga OFW na gusto nang bumalik sa kanilang trabaho sa Israel na maghintay munang maging kalmado ang sitwasyon.
