dzme1530.ph

SIMBAHANG KATOLIKO, NANAWAGAN SA PUBLIKO NA MAGDASAL AT HUWAG MAWALAN NG PAG-ASA SA GITNA NG TENSYON SA GITNANG SILANGAN

Loading

Hinimok ng Simbahang Katoliko ang publiko na magdasal at huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East. 

 

Umapela si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya na patatagin ang kanilang commitment sa peace, justice at reconciliation.

 

Aminado ni Santos na ang mga tensyon sa pagitan ng mga bansa ay hindi lamang nagde-destabilize sa mga apektadong lugar kundi nagdudulot ng banta sa global peace at nakakaapekto sa lahat ng tao. 

 

Pinaalalahan ng pari ang mga Pinoy sa mga apektadong lugar na manatili sa ligtas na lugar, iwasan ang hindi kinakailangang pagbiyahe at palagiang sumunod sa mga awtoridad. 

 

Hiniling naman ng Archdiocese of Manila na isama sa Prayer of the Faithful kada misa ang panalangin para sa kapayapaan sa Middle East. 

 

Hinikayat din ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga parishioners na magdasal ng rosaryo para sa peace and reconciliation.

About The Author