![]()
Mahigpit na minomonitor ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga flight operations kasunod ng tumataas na tensyon sa Middle East, na nagresulta sa ilang flight disruptions na nakakaapekto sa mga ruta papunta at pabalik sa rehiyon.
Mula noong Pebrero 28, may kabuuang 23 international flights ang nakansela at tatlong international flights ang na divert ng iba’t-ibang airlines dahil sa safety considerations at airspace restrictions.
Kaugnay nito, 2 ang nakansela sa Cebu Pacific; 8 sa Philippine Airlines; 2 sa Qatar Airways – isa naman sa Gulf Air; 4 sa Etihad Airways – at 6 naman sa Emirates.
Dalawa naman ang na-divert na flight sa Philippine Airlines at isa sa Qatar Airways
Tiniyak ni CAAP Director General Retired Lt. Gen. Raul Del Rosario sa publiko na nagsasagawa na ng mga proactive measure ang mga awtoridad para pangalagaan ang mga pasahero at crew kasunod ng direktiba ng DOTr.
Kasalukuyang sinusubaybayan ng CAAP ang sitwasyon sa Gitnang Silangan at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga airline, authorities sa Airport at international aviation partners.
Pinapayuhan ng CAAP ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline para sa mga opsyon sa rebooking, refund, at flight updated information.
