dzme1530.ph

REINTEGRATION NG COAST GUARD OFFICERS SA AFP, MAGPAPALAKAS SA KAPABILIDAD NA PROTEKSYONAN ANG WEST PHILIPPINE SEA

Loading

NANINIWALA si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na makatutulong ang reintegration ng Philippine Coast Guard officers sa Armed Forces of the Philippines upang mapalakas ang kapabilidad sa pagbabantay sa West Philippine Sea. 

 

Sinabi ni Lacson na mahalaga ang pagpapalakas ng inter-service coordination at capacity-building sa pagpapalakas ng external  security position ng bansa.

 

Una nang tinanong ni Lacson si Rear  Admiral  Andro  Val  Abayon sa kanyang posisyon sa posibleng reintegration. 

 

Sinabi ni Lacson na sa 2027 ay may 10 officers na mula sa Coast guard ang ikinukunsidera para sa reintegration sa AFP.

 

Sinabi ni Abayon na mahalaga ang pagpaalakas ng institutional coordination lalo’t mapapalakas nito ang kaalaman, kakayahan at kasanayan ng mga tauhan ng Coast Guard.

 

Sa sandali anyang bumalik sa Coast Guard ang mga opisyal ay bitbit nila ang mas malawak na operational perspective at inter-agency support.

About The Author