dzme1530.ph

ENDORSEMENT NI SPEAKER BOJIE DY SA NATIONAL MINIMUM WAGE BILL, IKINASIYA NG WORKERS GROUP SA KAMARA

Loading

Ikinasiya ng workers group sa Kamara ang endorsement ni House Speaker Faustino Bojie Dy III na i-fast-track ang approval ng National Minimum Wage Bill. 

 

Para kay Kamanggagawa Party List Rep. Elijah San Fernando, “historic” ito dahil sa unang pagkakataon may ‘clear political will’ ang Kongreso na i-dismantle ang wage system sa bansa. 

 

Sabi ni San Fernando, matagal ng hinihingi ng mga manggagawa ang single national minimum wage, dahil pare-pahero naman ang pag-taas ng bilihin sa buong bansa, subalit pagdating sa sweldo ay magkakaiba ng rate ang bawat rehiyon. 

 

Matapos ang meeting ni Dy kay Cong. Jolo Revilla at iba’t ibang labor organizations, inatasan ng House Speaker ang Rules Committee para isama na sa Order of Business sa susunod na linggo ang plenary deliberations sa consolidated bill ng National Minimum Wage, at ipinangako na sa Labor Day celebration sa May 1, pasado na sa Kamara ang panukala.

About The Author