dzme1530.ph

KORTE SUPREMA, HINIMOK NA MAGLABAS NG FINAL RULING SA ISYU NG EXTRAORDINARY RENDITION

Loading

UMAPELA si Senador Christopher “Bong” Go sa Korte Suprema na linawin na ang legal uncertainties sa isyu ng extraordinary rendition.

 

Ito ay may kaugnayan sa kaso ng isang Pilipino sa foreign jurisdiction. 

 

Sinabi ni Go na ang Korte Suprema ang final arbiter sa anumang kaso kaya’t nararapat na maglabas na ng ruling upang maliwanagan ang usapin. 

 

Ginawa ng senador ang apela kasabay ng pagsuporta sa Senate Resolution 307 ng Minority bloc sa Senado na nagsusulong ng sense of the Senate para protektahan ang mga Filipino laban sa pagsuko sa foreign jurisdiction nang hindi nabibigyan ng due process.

 

Nilinaw naman ng mambabatas na ang panawagan para sa constitutional safeguards ay hindi pag-iwas sa pananagutan.

 

Matatandaang nabanggit si Go bilang co-perpetrator sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC. 

 

Sa kabila nito, nanindigan si Go na patuloy siyang maglilingkod sa mga Filipino at hindi tatalikuran ang mandato bilang senador.

 

Iginiit ni Go na ang isinusulong nila ay matiyak ang proteksyon sa mga Pilipino at lahat ay dumaan sa due process.

About The Author