dzme1530.ph

MABILIS NA APPROVAL NG NATIONAL WAGE BILL, BINIGYAN NG BASBAS NI HOUSE SPEAKER DY

Loading

Binigyan ng basbas ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang mabilis na approval ng panukala para sa National Wage Bill.

 

Tugon ito ni Dy matapos personal na iabot ni Committee on Labor and Employment Chairman Rep. Ramon “Jolo” Revilla III ang manifesto mula sa pro-labor legislators at labor organizations.

 

Pinasalamatan ni Dy ang mga labor representatives sa kanilang inisyatiba, at sinabi na ipinaglaban din niya ang mas mataas na sweldo ng mga manggagawa nung siya ang gobernador ng Isabela

 

Agad na ipinag-utos ng House leader matapos ang pulong na isama na sa plenary agenda sa susunod na linggo ang consolidated bill.

 

Nangako ito na bago ang Labor Day sa Mayo a-uno, pasado na sa Kamara ang National Wage Bill.

 

Mawawala na rin ang Regional Wage Board, dahil ang lahat ng powers nito ay mapupunta sa National Wages and productivity Commission, at ang sweldo sa buong bansa ay magka-kapantay na gaya ng sa National Capital Region.

About The Author