dzme1530.ph

KALAYAAN ISLAND SA WPS, POSIBLENG MAGING TOURIST DESTINATION

Loading

Bukas ang House Committee on Tourism sa ideyang gawing tourist destination ang kalayaan Island sa West Philippine Sea o WPS.

 

Ayon kay Romblon Cong. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona na siyang chairman ng komite, magandang ideya ito para makilala pang lalo ang isla na bahagi ng Pilipinas.

 

Isa sa posibleng i-explore sa Kalayaan Island para makilalang tourism destination ay ang Cruise ship.

 

Magandang timing din umano ang mungkaheng ganito dahil pinag-aaralan ng kanyang komite ang pag amyenda sa 2009 Tourism Act.

 

Nito lamang Lunes, inaprubahan ng komite ang panukala na mag-aabolish sa travel tax, na magpapataas lalo sa local tourism.

 

Tiwala si Madrona na mas malaki ang balik sa mawawalang revenue mula sa travel tax, kaya wala ring dapat ikabahala ang TIEZA, CHED AT NCCA na sa kasalukuyan ay nabibiyayaan ng koleksyon mula sa travel tax.

About The Author