dzme1530.ph

PANUKALA PARA SA PAGBABAWAL SA MGA OPISYAL AT KAANAK NILA NA PUMASOK SA MGA PROYEKTO NG GOBYERNO, TATALAKAYIN NA SA SENADO

Loading

IPAPRAYORIDAD ni Senador Chiz Escudero ang pagtalakay sa panukalang magdidiskwalipika sa mga kamag-anak ng mga opisyal ng gobyerno na makapasok sa mga kontrata ng pamahalaan sa pag-upo bilang chairperson ng subcommittee sa ilalim ng Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation.

 

Tatalakayin ng subcommittee nag Senate Bill No. 783 na iniakda ni Escudero sa layong palakasin ang transparency at accountability sa public procurement.

 

Sa ilalim ng panukala pagbabawalan ang mga opisyal ng gobyerno at kanilang mga kamag-anak hanggang ikaapat na antas ng civil degree na makilahok sa mga kontrata ng pamahalaan.

 

Tiwala si Escudero na sa pamamagitan nito mapapalakas ang mga safeguard sa procurement at magsasara sa mga butas na maaaring pagmulan ng undue influence sa mga transaksyon ng pamahalaan.

 

Ayon kay Escudero, mahalaga ang ganitong reporma upang maibalik ang tiwala ng publiko at matiyak na ang pondo ng bayan ay naipapamahagi nang patas at malinaw.

 

Ang paglikha ng subcommittee ay nagpapakita ng pagtutok ng Senado sa mga hakbang kontra-korapsyon.

About The Author