dzme1530.ph

DALAWANG MAHALAGANG ASPETO NG DEKALIDAD NA EDUKASYON, TINUTUTUKAN

Loading

Dalawang mahalagang aspeto sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon ang pinagtuunan pansin ni Pasig City Lone Dist. Rep. Roman Romulo.

 

Aprubado na sa House Committee on Basic Education and Culture na pinamumunuan ni Romulo ang proposed Classroom Acceleration Program bill.

 

Sa panukalang ito ipapatupad ang alternative, at more efficient methods ng pag-construct at repair ng mga public school building para maibigay sa mga Filipino learners ang safe, adequate, at dignified classrooms.

 

Daan din ito para ma-address ang ‘persistent classroom shortages sa bansa.’

 

Sa pagdinig itinulak din ni Romulo na mabigyan ng pondo ang “school furnitures” dahil lumitaw na tanging repair at construction ng school buidings lamang ang may budget. 

 

Kinalampag na rin Romulo ang Dep’t of Human Settlements and Urban Dev’t o DHSUD, na tayuan din ng eskwelahan ang 58 reset-tlement areas na ayon sa EDCOM II ay walang school site.

 

Dahil dyan nagsisiksikan umano sa pinakamalapit na public schools at napipilitang bumiyahe ng mahaba ang mga estudyante para lamang ma-access ang basic education.

 

Giit ni Romulo, ang housing na walang eskwelahan at ‘incomplete promise.

About The Author