![]()
Susuriin na ng National Bureau of Investigation ang expose ng 18 dating Marines kaugnay sa pag-deliber ng pera sa ilang personalidad.
Sa utos ni NBI Director Melvin Matibag, sisimulan ang imbestigasyon sa beripikasyon ng personal circumstances ng mga sinasabing dating sundalo.
Samantala, kinumpirma ni Atty Levito Baligod na isusumite nila sa ombudsman ang affidavit ng 18 dating sundalo sa sandaling mapanotarized na.
Sa alegasyon, kabuuang 805 billion pesos umano ang ipinamahagi sa ilang opisyal ng gobyerno mula 2022 hanggang 2025.
