![]()
Pinapayagan ng Department of Education ang paggamit ng Artificial Intelligence tools sa mga pampublikong paaralan.
Nakapaloob ito sa inilabas na Department Order No 003, Series of 2026 o ang foundational guidelines on artificial intelligence in basic education.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na papayagan ang ethical use ng ai bilang support tool sa pag-aaral at pagtuturo.
Gayunman, nilinaw na dapat gamitin lamang bilang auxiliary tool ang Al at hindi dapat pumalit sa essential role ng mga guro sa ebalwasyon sa mga mag-aaral at dapat mangibabaw pa rin ang human judgement sa mga usapin sa edukasyon.
Ipinaliwanag ng kalihim na aalamin nila mismo sa mga estudyante kung paano nila ginagamit ang Al sa kanilang pag-aaral.
Ipagbabawal din anya nila ang paggamit ng ai applications na may panganib na dala sa karapatan, kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.
