dzme1530.ph

DAGDAG SAHOD SA MINIMUM WAGE EARNERS, INAPRUBAHAN SA DAVAO REGION

Loading

Inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang bagong wage orders para sa pribadong sektor at kasambahay sa Davao Region.

 

Sa ilalim ng Wage Order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-XI, madaragdagan ng ₱20 ang arawang sahod sa agriculture sector at ₱30 naman sa non-agriculture sector, na ipatutupad sa dalawang tranche hanggang Setyembre 1, 2026. Sa kabuuan, tataas sa ₱525 ang minimum wage sa agriculture at ₱540 sa non-agriculture.

 

Makakatanggap din ng dagdag na ₱500 hanggang ₱1,500 kada buwan ang mga kasambahay, na magdadala sa kanilang minimum wage sa ₱6,500 sa buong rehiyon.

 

Aabot sa mahigit 130,000 manggagawa ang direktang makikinabang sa wage increase na epektibo sa Marso 13, 2026.

 

Pinayuhan ang mga kwalipikadong establisimyento na maaaring mag-aplay ng exemption hanggang Mayo 11, 2026.

About The Author