dzme1530.ph

ALEGASYON NG 18 NA DATING SUNDALO NA KICKBACK NG ILANG PERSONALIDAD SA FLOOD CONTROL PROJECTS, MATHEMATICALLY IMPOSSIBLE

Loading

TILA mathematically impossible ang isiniwalat ng 18 dating sundalo na kabuuang P805 bilyon kickback ang nakuha ng ilang personalidad mula sa flood control projects mula 2022 hanggang 2025. 

 

Ito ay ayon kay Senador Panfilo Lacson sa pagpapaliwanag na ang total appropriations para sa flood control projects sa naturang mga taon ay umaabot sa P1.3 trilyon. 

 

Kaya kung P805 bilyon anya ang napunta kina dating Cong. Zaldy Co na katumbas ng 71 percent na ng kabuuang budget kaya’t ang tanong saan pa nanggaling ang pondong napunta sa iba pang sangkot sa anomalya. 

 

Iginiit ni Lacson na kailangan munang magsagawa ng ebalwasyon at pagsusuri sa mga impormasyon bago naman nila isalang sa Senate hearing ang pahayag ng mga dating sundalo.

About The Author