dzme1530.ph

MGA DATING KINATAWAN NG MAKABAYAN BLOC, KINUNDENA ANG AKUSASYON NA TUMANGGAP SILA NG PERA

Loading

Kinundina ng mga dating kinatawan ng Makabayan bloc ang walang pirmang pahayag na nag-aakusa sa kanila ng pagtanggap ng pera. 

 

Sa nagkakaisang pahayag nina former Reps. France Castro, Arlene Brosas, at Raoul Manuel kinundina ng grupo ang anila ‘desperate attempt para i-divert’ ang atensyon sa seryosong kaso na kinakaharap ng pamilya Duterte. 

 

Ang dating pangulong Rodrigo Duterte ay isinasakdal sa ICC sa kasong crimes against humanity, habang si VP Sara naman ay nahaharap sa impeachment proceedings. 

 

Ayon sa tatlo, mariin nilang pinabubulaanan ang paratang, at malinaw naman ang track record ng Makabayan na wala ni isa sa kanila ang nagpayaman sa pwesto. 

 

Kaduda-duda rin umano ang timing ng paglabas ng walang pirmang pahayag, na ang tanging layunin ay i-discredit ang lehitimong imbestigasyon laban sa mga Duterte.

About The Author