![]()
Sumampa sa mahigit 1 trillion pesos ang reserve fund ng Social Security System (SSS), ayon sa Department of Finance (DOF).
Inihayag ng ahensya na ito ang unang pagkakataon na lumagpas ang reserbang pondo ng state pension sa isang trilyon piso.
Bukod dito, lumobo rin ang net income ng SSS ng 58.4% o sa 142.97 billion pesos noong 2025 habang umakyat ang total assets sa 1.26 trillion pesos na mas mataas ng 22.1% mula sa naitala noong 2024.
Sinabi ng Social Pension Fund na nag-release ito ng 304.94 billion pesos na pensions at benefits sa 5.66 million Filipinos noong 2025 at naglabas din ng 61.11 billion pesos na halaga ng loans. | via Lea Soriano-Rivera
