dzme1530.ph

10 OPERASYON NG MGA AWTORIDAD PARA MAHANAP SI ATONG ANG, BIGO, AYON SA DILG

Loading

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na bigo ang mga awtoridad na mahanap ang negosyanteng si Charlie Atong Ang sa inilunsad nilang 10 operasyon, noong nakaraang linggo.

 

Sinabi ni Remulla na ikinasa ng mga awtoridad ang raids batay sa mga intelligence report subalit hindi nakita si Ang sa mga pinuntahan sites. 

 

Sa kabila nito, naniniwala pa rin ang kalihim na nasa Pilipinas pa rin ang puganteng negosyante.

 

Una na ring itinanggi ng Cambodian Authority ang impormasyon na nasa kanilang bansa si Ang.

 

Si Ang ay may warrant of arrest kasama ang iba pang co-accused dahil sa kasong multiple counts of kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention kaugnay sa missing sabungeros.

 

Hiniling na rin ng gobyerno ang pagpapalabas ng interpol red notice laban kay Ang.

About The Author