dzme1530.ph

NFA, KUMPIYANSANG MAIBABA ANG PRESYO NG BIGAS SA KANILANG AUCTION NG NAKAIMBAK NA SUPLAY

Loading

Kumpiyansa ang National Food Authority na makakatulong para bumaba ang presyo ng bigas sa sandaling magtagumpay ang auction sa mga nakaimbak nilang produkto sa kanilang warehouses.
 
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson, sinimulan na nila noong nakaraang linggo ang pre-auction conference para sa 754,000 bags ng aging rice o nakaimbak sa kanilang bodega ng tatlong buwan o higit pa.
 
Nilinaw ni Lacson na kahit ma-i-auction ang 754,000 bags, ay may halos 2-milyon bags pa rin sa kanilang mga bodega bilang handa sa kalamidad, emergencies at sa bente pesos na bigas program.
 
Bukod sa pag decongest ng kanilang mga warehouse, target ng auction na makapag handa sila sa pagbili ng mga bagong suplay pagsapit ng panahon ng anihan.
 
Kasabay nito, inamin ni Lacson na mataas ang presyo ngayon ng bigas dahil hindi pa panahon ng anihan at na-delay ang importasyon.

About The Author