dzme1530.ph

NBI, NAKIPAG-COORDINATE SA CHINESE EMBASSY DAHIL SA WALONG NAARESTONG CHINESE NA SANGKOT SA KIDNAPPING AT ILLEGAL POGO SA MUNTINLUPA CITY

Loading

Nakipag-koordinasyon na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Chinese Embassy at sa Bureau of Immigration para sa karagdagang hakbang sa mga naarestong Chinese National sa isang operasyon sa Ayala, Alabang, Muntinlupa City.

 

Ayon kay NBI National Capital Region Director Joel Tovera, nag-ugat ang operasyon matapos magsampa ng reklamo ang isang Chinese national na nagsabing halos dalawang linggong binihag ang kanyang kaibigan sa naturang lugar.

 

Agad nagkasa ng operasyon ang NBI at sinalakay ang nasabing lugar kung saan naaresto ang 2 sa mga suspek na itinurong nanakit sa biktima, tinutukan ng baril at kinuryente pa.

 

Sa pagsalakay anya sa lugar ay may 6 pa na natyempuhang nagpapatakbo ng mistulang isang POGO hub at nakita roon ang maraming computer gayung walang naipakitang dokumento ang mga ito sa kanilang operasyon at pananatili sa bansa.

 

Nauna nang Iprinisinta ng NBI  sa media ang walong Chinese national  na kanilang naaresto kaugnay ng kasong serious illegal detention at umano’y pagpapatakbo ng isang pinaghihinalaang POGO hub sa Ayala, Alabang, Muntinlupa City.

About The Author