dzme1530.ph

24 NA PINOY SEAFARERS SA MGA BARKO NG RUSSIA, PINANGANGAMBAHANG MAIPIT SA GIYERA KONTRA UKRAINE

Loading

NANGANGAMBA si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo na posibleng maipit sa kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine ang 24 na Pinoy Seafarers na nakasakay sa ilang barko ng Russia.

 

Sinabi ni Tulfo na makikipagpulog siya sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers kaugnay sa posibleng hakbang para sa kaligtasan ng mga seafarers.

 

Natuklasan ni Tulfo ang impormasyon kasunod ng courtesy call sa Ukraine Ambassador.

 

Nais malaman ng senador mula sa DMW kung ang mga seaman ay direct hire o dumaan sa manning agency.

 

Sa courtesy visit, pinakiusapan ng mambabatas ang ambassador  kung maaaring makausap ni Filipino prisoner of war Raymon Santos Gumangan ang kanyang pamilya kahit sa telepono lang. 

 

Matatandaang si Gumangan ay nadakip ng mga tropa ng Ukraine na nakikipaglaban sa ilalim ng Russian forces kahit na ayon sa pamilya niya ay pagiging “logistics truck driver” ang nakuha niyang trabaho sa isang online job-hunting platform.

 

Nangako naman ang lady ambassador of Ukraine to the Philippines na tatratuhin nang maayos si Gumangan sa ilalim ng Geneva Convention relative to the Treatment of Prisoners of War.

About The Author