![]()
Nagpatupad ang China ng travel restrictions sa kanilang bansa sa ilang opisyal ng Palawan.
Ito ay kasunod ng paglabas ng resolusyon ng Kalayaan, Palawan na nagdeklara bilang persona non grata sa Chinese Ambassador.
Tinukoy ng Chinese Embassy ang resolutions ng munisipalidad ng kalayaan noong 2023 at ngayong 2026 na tinawag nilang fabricated.
Pinagbabawalan ang mga lokal na opisyal na bumiyahe ng China kasama ang Hong Kong at Macau.
kabilang sa mga ito ay sina:
Beltzasar Alindogan, Maurice Phillip Alexis Albayda,Nonelon Balbontin,Nonie Gapuz, Roberto Asiado, Hubert Llavan, Francis Polizon, Marilou Vales, Monico Abogado, Eugenio Bito-Onon, Hermoso Ornopia, Tracylie Shierjun Malabayabas, Arzel Belidan, Vicencio Milan, Allan Dellosa, at Mary Cristina Lagrosa.
