![]()
Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na gagawin nang ayon sa plano at mahigpit na babantayan ang susunod na flood control projects.
Sinabi ni Dizon na kabilang na rito ang mga proyekto na sa Iligan City.
Aniya, gagamitin nila ang pagkakataon para planuhin ng tama ang mga proyekto upang pagsapit ng 2027 ay itotodo na nila ang pagpapagawa ng mga istruktura na kailangan sa mga bahaing lugar.
Inihayag ng kalihim na ilang bahagi ng Mindanao, partikular sa Cagayan de Oro, Cotabato, at Maguindanao ay kailangan ng flood control projects dahil ang mga ito ay flood-prone areas.
Sa mga nakalipas na araw ay nagdulot ng baha sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang mga pag-ulan na dala ng Bagyong Basyang.
