dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, INIMBITAHAN ANG PILIPINAS NA SUMALI SA KANYANG ‘BOARD OF PEACE’

Loading

Inimbitahan ni US President Donald Trump ang Pilipinas na sumali sa kanyang ‘Board of Peace’, ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez.

 

Gayunman, posibleng hindi makapagbigay ang bansa ng monetary contribution sa US-led grouping bunsod ng problema sa pananalapi.

 

Sinabi ni Romualdez na sumulat si Trump kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at nire-review na ang imbitasyon.

 

Inihayag ni Romualdez na pinag-aaralan nila kung anong klaseng commitment ang nais ng board at humahanap sila ng paraan kung paano makatutulong ang bansa.

 

Ang board na pamumunuan ni Trump ay bubuuin ng maliit na grupo ng world leaders na siyang mamamahala sa gagawing rehabilitasyon sa Gaza, at kalaunan ay magiging mas malaking grupo upang maging mediator ng global conflicts, gaya ng ginagawa ng United Nations.

About The Author