dzme1530.ph

Pagtalakay sa panukalang budget, on track pa rin

Loading

On track pa rin ang Senado sa kanilang target na pagtatapos ng deliberasyon sa 2026 budget bill sa gitna ng pagbibitiw ni Budget Sec. Amenah Pangandaman.

Ito ang tiniyak ni Senate Finance Chairman Sherwin Gatchalian kasabay ng pagbibigay-diin na ang counterpart ng kanilang kumite ay ang DBM at malapit silang nagtrabaho para sa pagbuo ng panukalang pambansang budget.

Sinabi ng senador na posibleng magkaroon lang sila ng kaunting adjustment lalo’t itong 2026 national expenditure program ay si Pangandaman pa ang bumuo.

Pero tiniyak ng senador na posibleng mag-extend lang sila ng isang araw at sa halip na sa November 27 ay sa November 28 na sila matapos sa plenary budget deliberations.

Sinabi ni Gatchalian na kailangan niyang makipagpulong kay DBM OIC Rolando Toledo para pag-usapan ang budget bill.

 

About The Author