![]()
Hiniling ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senate Blue Ribbon Committee na isyuhan na ng subpoena si dating Cong. Zaldy Co.
Ito ay makaraang mabigo ang dating mambabatas na dumalo sa pagdinig sa kabila ng imbitasyong ipinadala sa kanya ng komite.
Hindi rin tanggap ni Gatchalian ang medical records na ipinadala ni Co dahil ito ay January 2025 pa.
Maging ang records na pinadala ni Co sa kanyang appointments sa Massachusetts General Hospital ay noon pang Setyembre 22, 2025.
Sa kabuuan, hindi anya katanggap-tanggap ang excuse letter ni Co.
Tiniyak naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” Lacson na pare-pareho ang gagawin nila sa mga hindi dumalo sa pagdinig ng komite na papadalhan nila ng subpoena.
