dzme1530.ph

PBBM, ipinahinto ang taas-presyo sa basic at prime commodities hanggang katapusan ng taon

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Trade and Industry ang pansamantalang pagpapatigil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taon.

Kabilang sa mga produktong sakop ng price freeze ang imported rice, delatang sardinas, canned meat, gatas, kape, bottled water, instant noodles, tinapay, asin, toyo, patis, suka, kandila, at iba pang pangunahing produkto.

Layunin ng Pangulo na mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga bilihin at maiwasan ang biglaang pagtaas ngayong papalapit ang holiday season.