dzme1530.ph

Singer na si Jona, inamin ang naranasang pang-aabuso sa kamay ng sariling ama

Loading

Ibinunyag ng singer na si Jona Viray na nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa sariling ama noong siya ay sampung taong gulang.

Kwento ng singer, maayos umano ang kanyang pagkabata sa simula hanggang sa maghiwalay ang kanyang mga magulang. Aniya, nang umalis sa bahay ang kanyang ina, doon nagsimulang mangyari ang pang-aabuso.

Inihayag ni Jona na naunawaan niya kung bakit binansagan siyang “Fearless Diva,” dahil natutunan niyang tumayo at harapin ang mga sakit ng nakaraan.

Ayon sa kanya, sa murang edad ay hindi niya alam kung ano ang gagawin at tila itinuring na lamang na walang nangyari dahil nanatiling maayos ang kanilang samahan ng ama.

Hindi rin umano siya nagkwento kahit sa mga kapatid o malalapit na kamag-anak dahil hindi niya alam kung paano ito tatanggapin.

Sa kabila ng mapait na karanasan, sinabi ni Jona na handa pa rin siyang magpatawad sa kanyang ama.

About The Author