dzme1530.ph

Isa sa mga suspek sa pagpatay sa Bulacan ABC president, arestado sa Navotas

Loading

Naaresto na ng mga awtoridad ang isa sa apat na suspek sa pagpatay kay Bulacan Association of Barangay Captains (ABC) president Ramil Capistrano at sa driver nito na si Shedrick Toribio noong Oktubre 3, 2024.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 3, makalipas ang halos isang taong pagtugis, naaresto kaninang ala-1:30 ng madaling araw ang suspek na kinilala sa alyas na “Lupin” sa Barangay Tangos South, Navotas City.

Nadakip ang suspek matapos ang dalawang buwang pagmamanman ng mga otoridad.

Nahaharap ito sa dalawang bilang ng murder na walang inirekomendang piyansa.

Namatay sina Capistrano at Toribio matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Barangay Ligas, Malolos, Bulacan.

About The Author