![]()
Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Justice na madaliin ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects at agad na papanagutin ang mga nasa likod nito.
Ipinaalala ni Gatchalian na naiinip na ang taumbayan sa imbestigasyon dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakukulong.
Kailangan aniya ng makabuluhang aksyon mula sa gobyerno upang mapahupa ang galit ng mamamayan.
Ipinaliwanag ng senador na kasunod ng mga rebelasyon sa mga pagdinig ng Senado at Kamara, inaasahan ng publiko na agad nang maihahain ang mga kaso laban sa mga responsable sa mga ghost at substandard flood control projects.
Idinagdag pa ni Gatchalian na alam naman ng publiko kung sino ang mga “sapsap” at “butete” kumpara sa mga tunay na mastermind ng anomalya.
