dzme1530.ph

Pagbabalik ni Lacson bilang Blue Ribbon chairman, welcome kay Sen. Erwin Tulfo

Loading

Welcome para kay Sen. Erwin Tulfo ang nakatakdang pagbabalik ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Tulfo, siya ay acting chairman lamang ng komite matapos magbitiw si Lacson sa posisyon.

Una nang inialok ang chairmanship sa limang senador, ngunit wala ni isa sa kanila ang tumanggap, kaya’t pansamantalang itinalaga si Tulfo bilang acting chairman.

Samantala, sinabi ni Senador JV Ejercito na wala siyang nakikitang problema sa pagbabalik ni Lacson bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.

Giit ni Ejercito, ang mahalaga ay magtulungan ang mga miyembro ng komite upang matukoy ang mga tunay na sangkot sa flood control anomalies na hinihintay ng publiko ang kasagutan.

Tiniyak pa ni Ejercito na handang makatrabaho si Lacson sa naturang imbestigasyon dahil aniya, “trabaho lang ang focus ko.”

About The Author