dzme1530.ph

Pagkukumpuni sa gumuho na bahagi ng Bukidnon–Davao Road, sinimulan na ng DPWH

Loading

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng full geotechnical investigation and repair sa bahagi ng Bukidnon–Davao Road sa bayan ng Quezon, Bukidnon, na gumuho noong Sabado ng gabi kasunod ng lindol.

Ipinag-utos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang naturang imbestigasyon upang matukoy din ng departamento kung saan sisimulan ang detour road.

Kahapon, ininspeksyon ni Dizon ang lugar kasama ang mga opisyal ng DPWH, Mines and Geosciences Bureau, at mga local government officials upang i-assess ang nasirang kalsada.

Binigyang-diin ng kalihim na ang kanilang prayoridad ay ang mabilis ngunit dekalidad na pagkukumpuni ng kalsadang nag-uugnay sa pagitan ng Northern Mindanao at Davao Region.

About The Author