dzme1530.ph

Mandatory na pagsusuot ng face masks, hindi pa kailangan sa kabila ng flu season –DOH

Loading

Hindi pa kailangang obligahin ang publiko na magsuot ng face masks sa kabila ng nararanasang flu season.

Tugon ito ni Department of Health (DOH) spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo matapos tanungin kung ipatutupad ng ahensya ang mandatory na pagsusuot ng face masks sa Metro Manila at mga kalapit na lugar sa Quezon, kasunod ng pagtaas ng kaso ng mga may mala-trangkaso o flu-like symptoms.

Paliwanag ni Domingo, ikinokonsidera ng DOH ang severe hospitalization at ang pagdagsa ng mga pasyenteng ina-admit sa intensive care units bilang mga salik bago magpasya kung gagawing mandatory ang pagsusuot ng face mask.

Idinagdag ng health official na mahirap ding ipatupad ang parusa sa mga hindi sumusunod, dahil may mga indibidwal na naka-face mask nga ngunit mali naman ang pagkakasuot.

Nagbabala rin si Domingo laban sa mga negosyanteng posibleng samantalahin ang sitwasyon at magtaas ng presyo ng face masks sa gitna ng mataas na demand.

About The Author