dzme1530.ph

Assets ng mga bangko sa Pilipinas, lumobo sa ₱27.7 trilyon hanggang noong Agosto

Loading

Lumago ng 6.7% ang kabuuang total assets ng Philippine banking sector hanggang noong Agosto, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng loans at deposits.

Batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa ₱27.729 trilyon ang pinagsama-samang assets ng mga bangko as of August 2025, mula sa ₱25.988 trilyon na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, mas mababa ito ng 0.04 percent kumpara sa ₱27.742 trilyon na naitala hanggang noong katapusan ng Hulyo.

Hawak pa rin ng universal at commercial banks ang malaking bahagi ng assets ng Philippine banking system, na umabot sa ₱25.9 trilyon hanggang noong Agosto.

Sinundan ito ng thrift banks na may ₱1.3 trilyon, rural at cooperative banks na may ₱385.45 bilyon, at digital banks na may ₱141.77 bilyong assets.

About The Author