dzme1530.ph

Pondo para sa kalusugan, ‘di dapat gamitin sa ibang proyekto

Loading

Sa gitna ng pangambang magamit sa flood control projects ang pondo para sa kalusugan, muling nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na tiyaking mapupunta sa mga programa para sa kalusugan ang pondo ng PhilHealth.

Sinabi ni Go na hindi na dapat maulit ang pangyayari noong 2024 kung saan pinangangambahang nagamit ang pondo ng PhilHealth sa mga proyektong walang kinalaman sa kalusugan.

Tinukoy ng senador ang ₱60 bilyong sobrang pondo ng PhilHealth na ibinalik sa national treasury.

Giit ni Go, hindi katanggap-tanggap ang mga ganitong insidente lalo na’t maraming Pilipino ang nangangailangan ng medical assistance.

About The Author