dzme1530.ph

Mga nasawi sa lindol sa Cebu, umabot na sa 76 —NDRRMC

Loading

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa Cebu matapos ang malakas na lindol kamakailan.

Ayon sa pinakabagong datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 76 ang naiulat na namatay, habang 559 naman ang nasaktan.

Tinatayang 748,000 katao o katumbas ng 216,000 pamilya ang apektado ng lindol, kung saan 5,000 ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Patuloy naman ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong residente, na umabot na sa mahigit ₱401 milyon ang kabuuang halaga ng naipapaabot na ayuda.

About The Author