Sumampa na sa halos pitong libo ang aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Martes ng gabi.
Ayon sa PHIVOLCS, as of 6 am, sumampa na sa 6, 967 aftershocks ang naranasan ng mga residente, na nasa pagitan ng magnitude 1.0 hanggang 5.1.
Pinayuhan naman ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol ang mga residente sa Cebu na asahan at maging handa sa karagdagang aftershocks sa mga susunod na araw.