dzme1530.ph

Kanselasyon ng rehistro ng Duterte Youth, kinumpirma ng Comelec; tatlong kinatawan, ipoproklama bilang kapalit

Loading

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagkakakansela ng rehistro ng Duterte Youth Party-list.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, agad na naging epektibo ang cancellation matapos ilabas ng poll body ang certificate of finality at entry of judgment noong Agosto 29 ng kasalukuyang taon.

Matatandaang inihain ng ilang youth leaders noong 2019 ang petisyon para kanselahin ang registration ng Duterte Youth.

Kasunod ng diskwalipikasyon ng grupo, nakatakdang iproklama ng COMELEC ngayong Huwebes ng ala-1:30PM sa session hall ang tatlong kinatawan sa Kamara na papalit sa Duterte Youth.

Tumanggi naman si Garcia na pangalanan ang mga party-list na makikinabang sa seat distribution.

About The Author