dzme1530.ph

Mall-wide sales malapit sa FIVB Championship venues, ipinagbawal ng MMDA

Loading

Pansamantalang ipinagbawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga mall-wide sales sa mga shopping mall na nakapaligid sa dalawang venue ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.

Batay sa memorandum circular, ipatutupad ang ban sa mga mall na malapit sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at SM Mall of Asia Arena sa Pasay City mula Setyembre 12 hanggang 14.

Kaparehong hakbang ang ipatutupad sa mga mall malapit sa MOA Arena sa Setyembre 20–21 at Setyembre 27–28.

Layunin nito na maiwasan ang pagbigat ng trapiko at dagsa ng publiko habang ginaganap ang malalaking laban sa torneo, na unang pagkakataong pangangasiwaan ng bansa.

About The Author