dzme1530.ph

Engr. Brice Hernandez, hinamong sumalang sa lie detector test

Loading

Hinamon ni Senador Jinggoy Estrada si dating Bulacan District Assistant Engineer Brice Hernandez na sumailalim sila pareho sa lie detector test upang malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Ito ay sa gitna ng pagtanggi ni Estrada sa alegasyon ni Hernandez na naglagay siya ng pondo para sa flood control projects sa lalawigan ng Bulacan na may 30% na SOP o komisyon.

Iginiit ng senador na walang saysay ang puro lamang daldal.

Tiniyak nitong handa niyang patunayan na pawang mga kasinungalingan ang sinasabi tungkol sa kanya.

Sa pagdinig kahapon, isa si Estrada sa gumisa kay Hernandez kaugnay sa tinatanggap na kickback mula sa SYMS Trading Corporation.

About The Author