dzme1530.ph

Sen. Marcoleta, out na sa Senate Blue Ribbon Committee

Loading

Kumpirmado na si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na ang bagong mamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee, kapalit ni Sen. Rodante Marcoleta.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, napagkasunduan ito ng mayorya sa caucus matapos ang pagpapalit ng liderato sa Senado.

Ipinaliwanag ni Sotto na hindi na kabilang sa majority bloc si Marcoleta at ang komite ay nakalaan lamang para sa mayorya.

Dagdag pa ni Sotto, hindi kailangang abogado ang mamuno sa Blue Ribbon Committee, gaya na lang noong 9th Congress nang italaga si Senador Sonny Alvarez.

Tiniyak ni Sotto na ipagpapatuloy ni Lacson ang mga imbestigasyon sa flood control anomalies, habang mananatili si Senador Sherwin Gatchalian bilang Finance Committee chairman.

About The Author