Umabot sa P1-B ang naideliver ng SYMS Construction Trading sa Department of Public Works and Highways mula 2022 hanggang 2025.
Inamin ito ni Sally Santos, general manager ng kumpanya, sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa umano’y iregularidad sa flood control projects.
Sinabi ni Santos na mismong kahon-kahong pera ang dinala sa tanggapan ni dating Bulacan 1st Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez, kabilang na ang P245 milyon na inilagay umano sa noodle boxes.
Inamin din ni Hernandez na tinatanggap niya ang pera, na kinalaunan ay kinukuha umano ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara.