dzme1530.ph

Engr. Brice Ericson Hernandez, cited in contempt ng Senate Blue Ribbon

Loading

Cited in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee si Engr. Brice Ericson Hernandez, dating Assistant District Engineer sa Bulacan 1st District Engineering, matapos paulit-ulit na itanggi ang mga record ng kaniyang pagsusugal sa casino.

Ayon kay Sen. Rodante Marcoleta, chairman ng committee, nakakuha sila ng dokumento mula sa Okada na nagtatala ng paggamit ni Hernandez ng License ID card ni Marvin Santos de Guzman para sa pagsusugal.

Nakapagtala umano si Hernandez ng panalo at talo mula Marso hanggang Hulyo, kung saan nanalo ng P6 milyon noong Marso; natalo ng P25 milyon noong Abril; P10 milyon noong Mayo; P14 milyon noong Hunyo; at nanalo ng P15 milyon noong Hulyo.

Sa kabila nito, iginiit ni Hernandez na ang huling pagpunta niya sa Okada ay noong Mayo para sa isang convention.

Gayunman, inamin nito na nagka-casino siya kapag isinasama siya ni dating District Engineer Henry Alcantara at binibigyan ng pondo para sa pagsusugal.

About The Author